Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Philippine Science Central Mindanao, ilalagay sa Kidapawan city

By: Rhoderick BeƱez

(Kabacan, North Cotabato) December 26, 2011 --- Aprubado na sa komite ng kongreso ang paglalagay ng Philippine Science Central Mindanao sa Kidapawan City, ito ang magandang ibinalita ni Cotabato 2nd district congresswoman Nancy Catamco sa isang punong pambalitaan na ginanap sa Lady M, Kidapawan city kamakala.

Ang nasabing panukala ay pangunahing iniakda ng lady solon.

Titulo na lamang umano ng land erya ang hinihingi sa taas para masimulan na ang paglalagay nito.

Inihayag naman ng mambabatas na sinimulan ng dinggin sa kongreso ang pagbubuo ng ikatlong distrito sa North Cotabato pero ng tanungin ng mga media kungsaan siya tatakbo sa susunod na halalan bagama’t kwalipikado na ang 3rd district ng probinsiya, mas malapit pa rin anya umano sa puso nito ang mga bayan na buuin sa 3rd district.

Samantala, ibinalita naman ng opisyal ang palilipat nito sa Liberal Party na siyang magiging manok ng administrasyon para sa susunod na halalan.

Kung matatandaan si Catamco ay dating taga-Lakas Kampi CMD.
Ipinagmamalaki din nito na siya’y isang IP na kabilang sa tribung Manobo.

0 comments:

Mag-post ng isang Komento