Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

50th Foundation Anniversary ng Bayan ng Matalam, gugunitain ngayong araw

Written by: Rhoderick BeƱez
(Matalam, North Cotabato) December 30, 2011 --- Kasado na ang security measure ng pamunuan ng Matalam PNP para sa pagdiriwang ng 50th Founding anniversary ng bayan ng Matalam, ngayong araw.

Ito ang pagtitiyak ni P/Insp. Elias Diosma Colonia, ang hepe ng Matalam PNP sa panayam ng Radyo ng Bayan.

Giit pa nito na ngayong umaga pa lamang ay nagdeploy na ito ng kanyang mga tauhan sa mga pangunahing lansangan sa Matalam na dadaanan ng mga kalahok sa gagawing Street Dancing competition ngayong araw.

Naging matagumpay din ang isinagawang Mutya ng Matalam 2011.

Kahapon ilan sa mga celebrities ang bumisita sa bayan kungsaan nagbigay ang mga ito ng aliw kagabi sa mga MatalameƱos.

Magiging panauhing pandangal naman sa foundation Anniversary Program si Cotabato Governor Emmylou “Lala” TaliƱo Mendoza.

Ang bayan ng Matalam ay binubuo ng 34 na mga barangay kungsaan  naging munisipyo ito sa bisa ng Executive Order No. 461 noong Disyembre a-29, 1961.

Ngayong araw din sabay na ginugunita ang taunang Festival na tinatawag na Sahl-amat, napag-alaman din ang bayan ng Matalam at may kabuuang 47, 600 heactares na lawak.

0 comments:

Mag-post ng isang Komento