Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Big-time financier ng Last Two sa Kidapawan City arestado sa raid

ARESTADO ng mga operatiba ng Kidapawan City PNP si Hospicio Castillano Rivas III, may-ari ng Rivas News Stand na umano may-ari ng Last Two outlet sa loob ng Mega Market sa Kidapawan City, sa isang raid, bandang alas-11 ng umaga, kahapon.

Nanguna sa saturation drive si Inspector Rolando Dillera, hepe ng investigation and intelligence division ng Kidapawan.
       
Nakumpiska mula kay Rivas ang cash na umano galing sa Last Two na nagkakahalaga ng P4,287 at mga illegal gambling paraphernalia.

Si Rivas, ayon sa report, ay sa isa sa mga itinuturing na big-time financier ng Last Two sa Kidapawan City.

Agad kinasuhan si Rivas ng paglabag sa Anti-Gambling Act at isinailalim sa inquest proceeding.

Ang inirereklamo ng mga kaibigan at kaanak ni Rivas ay kung bakit sa napakarami’ng mga Last Two outlets sa loob at labas ng palengke ay tanging siya lang ang naging subject ng saturation drive ng Kidapawan City PNP.

Duda nila, baka lang ‘di nakapagbigay ng ‘tong’ o ‘protection money’ si Rivas kaya hinuli at ikinulong.

Ayon sa report, ‘di bababa sa 15 ang Last Two outlet at mahigit 50 mga usher ang nag-o-operate sa loob ng Mega Market – ang ilan sa kanila nagbibigay umano ng protection money o ‘tong’ sa ilang mga opisyal ng PNP.  

0 comments:

Mag-post ng isang Komento