Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Madilim na kalye sa Purok Sunrise, Poblacion, Kabacan; nirereklamo

Tila isang remote na lugar ang kalsada sa bahagi ng Sunrise St., Poblacion, Kabacan tuwing gabi dahil sa napakadilim na daanan.

Ito ang hinaing at reklamo ng mga residente sa lugar partikular ng mga estudyante na ang kanilang boarding house ay nasa Sunrise St.

Madilim kasi mula sa Koko’s Boarding house na nasa bahagi ng Sinamar 2 papunta sa Mosque ng Sunrise drive kung kaya’t takot ang ilan sa mga tricycle at tricycab na maghatid ng pasahero sa lugar, kung kaya’t maging ang mga estudyante ay hirap din sa pag-uwi tuwing gabi.

Halos mag isang taon na kasing nirereklamo ang madilim na daanan sa Sunset pero tila pipi’t bingi ang pamunuan ng brgy sa nasabing problema.

Kung matatandaan, noong nakaraang taon, December 31 alas 10:30 ng gabi, dyan mismo sa madilim na bahagi ng sunrise st. sinundan si Lj Cadi ng mga carnapper at pinagbabaril matapos kunin ang motorsiklo nito.

Bagama’t na sampulan na, wala pa ring tugon dito ang kinauukulan kung kaya’t nais ng mga residente sa lugar na kalampagin ang mga opisyales ng brgy na aksyunan ang nasabing problema hindi lamang tuwing panahon ng eleksiyon.

0 comments:

Mag-post ng isang Komento