NASA ‘YELLOW ALERT’ na naman ang Mindanao Grid, ayon sa report ng National Grid Corporation of the Philippines o NGCP.
Ang ibig sabihin ng ‘yellow alert’ ay kinapos na naman ang suplay ng kuryente sa Mindanao.
Sa isang ALERT na ipinadala ng NGCP sa pamamagitan ng text, nabatid na naranasan ng Mindanao ang pagbaba ng suplay sa kuryente, mula alas-dos ng hapon hanggang alas-530 ng hapon, kahapon.
Kinapos din ng suplay bandang alas-531 ng hapon hanggang alas-otso, kagabi.
Ayon sa NGCP, kinailangan nilang magpatupad ng load curtailment dahil wala na’ng reserbang kuryente para sa Mindanao.
Ang load curtailment ay abot sa 100 megawatts, batay sa matrix na inilatag ng Power Sector Assets and Liabilities Management o PSALM.
Kabilang ang Cotelco sa mga apektado ng load curtailment kaya’t ang service area nito ay nakaranas ng blackout mula alas-dos ng hapon hanggang alas-otso, kagabi.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento