Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Mahigit 2,800 na mahihirap na pamilya mula sa 40 barangay sa Kidapawan City benepisyaryo ng 4Ps

(Kidapawan City/December 26, 2011)  --- ABOT sa 2,892 na mahihirap na pamilya sa Kidapawan City ang magiging benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps na ipinatutupad ng Department of Social Welfare and Development o DSWD.
       
Ang mga benepisyaryo ay mula sa 40 mga barangay ng lungsod.
       
Ayon sa data ng City Social Welfare and Development Office, sa  bilang na ito, abot sa 1,861 ang naka-rehistro, samantalang ang 1,031 ay ibinatay sa ginawang survey at registration nila noong mga nakaraang araw.
        
Sa mga barangay, ang pinakamaraming 4Ps beneficiary ay ang Sudapin na may 148 na pamilya; Amas na may 125 pamilya; Patadon na may 124; at Ilomavis na may 122. 

Karamihan sa mga benepisyaryo ay mga lumad, batay sa data ng 
CSWDO.

Ang mga benepisyaryo ng 4Ps ay tatanggap ng cash na ‘di bababa sa P1,200 kada buwan.

Sa pamamagitan nito, maipapasok na sa mga eskwelahan ang mga anak ng mahihirap na pamilya dahil may pambili na sila ng gamit sa 
paaralan at pambayad sa tuition at mga miscellaneous.

Ayon sa CSWDO, titiyakin nila na magagamit nang maayos at tama 
ng mga benepisyaryo ang programa.

Ang 4Ps ay bahagi ng conditional cash transfer na sinimulan noon pang panahon ng Arroyo administration.

0 comments:

Mag-post ng isang Komento