Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Primary suspect sa pambobomba ng bayan ng Makilala noong 2006 arestado

ARESTADO ng mga operatiba ng Mindanao Area Police Intelligence Office (MAPIO) mula sa Davao City ang umano mataas na opisyal ng Jemaah Islamiah na sinasabing nanguna sa serye ng pambobomba sa Central Mindanao.

Kinilala sa report ang inaresto na si Commander Kule Mamagong na may alias na Molis Tahsin. Si Mamagong, batay sa report ng MAPIO, ay hinuli noong December 16 sa Sitio Bato Pari sa Barangay Tanding Ahas sa Lamitan City sa lalawigan ng Basilan.

Nahaharap ito sa kasong multiple murder at multiple frustrated murder matapos ituro na primary suspect sa pambobomba noong October 2006 sa bayan ng Makilala na nagresulta sa pagkamatay ng walo katao at pagkakasugat ng mahigit 30 iba pa.

Kamakalwa ng hapon, ipinirisinta ng MAPIO sa Regional Trial Court branch 17 sa Kidapawan City si Mamagong. Dala-dala nila ang kopya ng warrant of arrest na inisyu noong October 2006 ni dating RTC branch 17 Judge Francis Palmones.

Agad na inilipat ang akusado sa sa North Cotabato Provincial Jail sa Amas Complex, Kidapawan City, halos 10 kilometro ang layo mula sa sentro ng lungsod.

Hindi ito ang unang pagkakataon na nakahuli ng Kule Mamagong ang mga pulis.

Ilang buwan makalipas ang October 2006 bombing ay nahuli ang isang estudyante ng isang unibersidad sa North Cotabato na napagkamalan nilang Kule Mamagong.

Noong July 2009, isa na namang Kule Mamagong ang nahuli ng mga pulis na pinakawalan din nila pagkatapos makumpirma na hindi ito ang kanilang hinahanap.   

0 comments:

Mag-post ng isang Komento