Written by: Rhoderick BeƱez
(Kabacan, North Cotabato/ December 28, 2011) ---Winasak ng malakas na pagragasa ng tubig baha kaninang alas 8:00 ng umaga ang isang Mosque at ilang mga kabahayan na nasa Sitio Lumayong, brgy. Kayaga, Kabacan, Cotabato.
Ilang oras pa lamang ang pangyayari ng datnan ng DXVL Radyo ng Bayan Newsteam ang lugar kungsaan mapanganib na sa mga residente doon na nakatira sa tabing ilog ang patuloy na pagragasa ng tubig baha na pinaniniwalaang galling sa nawasak na NIA Dam buhat sa Valencia City, Bukidnon.
Ayon kay Eddie Buat, residente sa lugar ang pinagtatakhan nila na bigla umanong tumaas ang lebel ng tubig ng Pulangi river ng di nila namalayan kanina at hanggang sa mga oras na ito ay patuloy pa rin ang pagtaas at paglaki ng tubig doon.
Kanina ay pumunta na ang mga taga-MSWDO Kabacan sa lugar upang alamin kung ilang mga pamilya ang apektado.
Marami rin sa mga troso ang inanud ng malakas na pagbaha.
Ayon pa sa mga residente sa lugar na nagsimula umanong tumaas ang lebel ng tubig alas 5 ng hapon kahapon kung kaya’t inabisuhan na silang linasanin ang tabing ilog.
Pero ang hinaing naman nila, wala umano silang paglilipatan dahil malapit sila sa Highway at ang kinatatakutan nila na masagasaan ng mga sasakyan ang kanilang mga maliliit na anak.
Sa ibang dako naman, sa pag-iikot ng News team tumambad sa amin ang mga pananim na mais na lubog din sa tubig baha.
Ayon naman kay Pedtad Kapitan Romeo Mantawil hanggang tuhod na rin ang tubig baha sa Sitio Manuang ng brgy Pedtad.
Sa Sitio Malabuaya naman, alas 6:00 ng umaga kanina ng simulang bahain ang kanilang lugar, halos tuhod na baha kungsaan apektado ang may halos isang daang mga pamilya sa lugar na patuloy naman ang pagtaas ng lebel ng tubig.
Kaugnay nito, nananawagan naman ng tulong ang mga kababayan natin doon na apektado ng baha.
Ayon kay Ginang Samra Gampung na residente naman ng Bulit, Pagalungan, Maguindanao na malaking problema sa kanila ang mapagkukuhanan ng tubig dahil wala silang puso sa lugar, wala din silang maayos na C.R. sa kanilang pagdumi.
Ang Brgy. Bulit at Sitio Malabuaya ay magkalapit na lugar na apektado ngayon ng tubig baha, dahil malapit lamang kasi ang kanilang erya sa dinadaanan ng ilog Pulangi.
Samantala, habang sinusulat ang balitang ito, napag-aman mula kay Scooper 001 Aylmer Bornea na pumapasok na daw ngayon ang tubig baha sa Poblacion ng Pikit, North cotabato.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento