Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Ginang na taga Sitio Lumayong, Kabacan; nananawagan ng tulong para sa kanyang nanay na may sakit

Written by: Rhoderick BeƱez

(Kabacan, North Cotabato) December 30, 2011 --- Hindi na makatayo at nakahandusay lamang sa kanilang simpleng bahay na malapit pa mismo sa tabing ilog ng Pulangi river ang 62 taong gulang na matanda na taga Sitio Lumayong, Brgy. Kayaga, Kabacan, Cotabato.

Kahit bigas na makain ay walang makain ang matanda dahil sa sobrang kahirapan sa lugar kung kaya’t panawagan ni aling Kusain Malidas, 40 taong gulang, separated sa asawa sa mga taong may magandang puso na tulungan ang nanay nitong maipagamot.

Namamaga pa umano ang kamay ng matanda, nanghihina at hindi makasalita.

Si aling Kusain ay may apat pa na mga maliliit na anak, namumulot lamang ng Palay, naglalaba para may pambili ng pagkain pero hindi sapat ang kinikita nito sa isang araw dahil minsan ay wala itong makain.


Ang bahay ni Aling Kusain ay malapit pa mismo sa rumaragasang tubig baha sa Sitio Lumayong, isa pa ito sa kanilang pinangangambahan.

Kaya naman ngayong panahon ng kapaskuhan, mas mabibigyan ng kahulugan ang diwa ng pasko kung may nagtutulungan, kaya naman sa pamamagitan ng panawagang ito, umaapela ng tulong ang ginang sa mga mas nakakaginhawa sa buhay na mabigyan sila ng tulong sa lugar lalo na dapat ay maipagamot ang nanay nito sa lalong medaling panahon.

0 comments:

Mag-post ng isang Komento