DXVL Staff
...
Mga daan-daang pamilya mula sa binahang mga barangay sa Kabacan inilikas sa highway
Miyerkules, Disyembre 28, 2011
No comments
KABACAN, North Cotabato (December 29, 2011) – DELIKADO ang sitwasyon ng mahigit 100 pamilya mula sa mga binahang barangay sa bayan ng Kabacan, North Cotabato matapos na magtayo sila ng tent sa may Kabacan-Carmen highway, kahapon.
Ang makipot na highway kasi ang ginawang pansamantalang evacuation site ng mga lumikas na pamilya mula sa mga barangay ng Kayaga at Lumayong sa bayan ng Kabacan.
Kahit peligroso, nagtitiis ang mga bakwit, ‘wag lang nila’ng sapitin ang dinanas ng mga taga-Iligan at Cagayan de Oro.
SIMULA kahapon, lubog sa tubig-baha ang mga pananim na mais at palay sa mga barangay ng Kayaga, Lumayong, at Pedtad sa bayan ng Kabacan at Barangay Bulit sa Pagagawan, Maguindanao makaraang rumagasa ang tubig-baha mula sa umapaw na dam ng National Irrigation Administration o NIA sa Valencia, Bukidnon.
Ayon sa report, tumaas ang tubig sa Pulangi River nang halos dalawang metro.
Umangat din ang Kabacan River na konektado sa Rio Grande de Mindanao.
Ayon pa sa report, patuloy sa pagtaas ang tubig sa Pulangi River at sa mga barangay sa Kabacan na apektado ng pagbaha.
Apektado rin ng pag-apaw ng tubig ang ilang mga barangay sa bayan ng Carmen sa North Cotabato at Pagalungan at Datu Montawal sa lalawigan ng Maguindanao – mga lugar na sakop ng Rio Grande de Mindanao.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento