Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Maraming troso naanud sa Pulangi River sa pagragasa ng tubig kagabi; NIA Dam naman sa Bukidnon, bumigay

Written by: Rhoderick Beñez

(Kabacan, North Cotabato/ December 28, 2011)  ---Agad na pina-aalerto ng mga otoridad ang mga residente na malapit sa Pulangi river, Malitubog river at maging yung mga nasa paligid ng Kabacan river makaraang bumigay ang NIA Dam na nasa Brgy. Kumbayao, Valencia City, Bukidnon alas 11:00 ng umaga kahapon.

Sa report ng 4th Infantry Division, Philippine Army na nakabase sa Bukidnon dahil sa pagkawasak ng NIA Dam sa lugar, pinangangambahan ngayon ang malawakang pagkabaha sa Mindanao River Basin.

Kaya naman kagabi inatasan na ang mga otoridad ang mga residente sa mga brgy na malapit sa mga ilog na pansamantalang linsanin ang lugar partikular sa mga bayan ng Kabacan, Carmen, Pikit, Pagalungan at Datu Montawal.

Sa panayam naman kay Pedtad Kapitan Romeo Mantawil, bago mag-alas 5:00 kahapon ng hapon ay tumaas na ng halos dalawang metro ang rumaragasang tubig sa Pulangi river.

Hanggang sa mga oras na ito ay patuloy naman nilang minomonitor ang pagtaas ng tubig sa lugar bagama’t ayon kay Kapitan Mantawil ay di naman umaapaw subalit marami umanong mga troso ang inanod ng malakas na lagaslas ng tubig.

Kung matatandaan, isa ang brgy. Pedtad ng Kabacan na malapit sa Pulangi river.

Inihayag naman ni Kabacan MSWD Officer Susan Macalipat na nagbabala na sila sa lahat ng mga kapitan at mga opisyal upang ipaalam sa mga residente na malapit doon na mag-ingat sa posibleng pagtaas pa ng tubig sa Pulangi river.

0 comments:

Mag-post ng isang Komento