Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Pulitika nakikitang dahilan ng pagpapasabog ng IED sa Kabacan; sugatan umakyat na sa 6

Written by: Rhoderick Beñez

(Kabacan, North Cotabato) December 26, 2011 ---  Political in nature ang nakikitang pagpapasabog ng Improvised Explosive Device o IED sa bayan ng Kabacan mag-aalas 7:00 ng gabi noong Biyernes  na gawa sa isang 81mm makaraang may kahalintulad na insedente ito sa Cotabato city.

Bagama’t tumangging ihayag ni P/Supt. Joseph Semillano kung sinu at anung grupo ang nasa likod nito may lead na silang sinusundan sa nasabing insedente.

Sa report, umakyat na sa anim ang sugatan habang nasa kritikal na kondisyon si Renato Mendoza, 39, may asawa at residente ng Purok Sto. Nino, Bonifacio St., ng bayang ito na nasa Davao Medical Center sa Davao city makaraang bumaon kasi sa katawan ni Mendoza ang fuse 81mm.

Kinilala ang iba pang mga sugatan na sina; Elsa Araiz, 42, may asawa at residente ng Ma. Clara St., Poblacion, Kabacan; Russel Bigwas, 18, single, USM Student at residente ng Purok Masagana, Poblacion, Kabacan;  Jovelyn Ligo Haro, 19, single at pansamantalang na ninirahan sa Bonifacio St., Poblacion, Kabacan at Darwin Galas, 40, may asawa at residente ng Poblacion ng nabanggit na bayan.

Kung matatandaan, noong Nobyembre, limang mga bomba ang itinanim sa bayan isa rito sumabog; ang dalawa na-defuse ng mga bomb experts; at ang natira, sadyang ‘di pinasabog.
Samantala isang IED pa ang natagpuan dakong alas-7:40 kamakalawa ng gabi sa Gov. Gutierez Ave., Brgy. Rosary Hieghts 9, Cotabato City.
Ang nasabing pampasabog ay gawa rin sa 81mm mortar na sinasabing kagagawan umano ng Bangsamoro Independence Movement, batay naman sa ulat ng 6th Infantry Division ng Philippine Army. Sa teorya ng mga awtoridad, ang nasabing grupo ay tutol sa pag-upo ng mga caretaker sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) na siyang isa sa sinisilip na motibo ng pagpapasabog.
Samantala, inihayag naman ng pamunuan ng Kabacan PNP na matiwasay at tahimik sa kabuuan ang pagdiriwang ng pasko sa bayan ng Kabacan.
Ang bayan ng Kabacan, isa sa mga progresibo at umuunlad na bayan sa North Cotabato, dito rin makikita ang University of Southern Mindanao, isa sa malaking state run University sa bahaging ito ng Mindanao na nagbibigay ng de-kalidad na edukasyon.

0 comments:

Mag-post ng isang Komento