(USM, Kabacan, North Cotabato/
October 13, 2015) ---Ipagdiriwang ng mga kapatid na Muslim ang Amon Jadeed o
ang Islamic New Year bukas, (October 14, 2015).
Ang selebrasyon ay batay sa
deklarasyon ng pamahalaan na isang National Holiday ang nasabing petsa batay
sa P.D. 1083 na mas kilala sa tawag na ‘Code of Muslim Personal Laws in the
Philippines’.
Kaugnay nito, naglabas ngayon ng
deriktiba si USM Vice President for Academic Affairs Dr. Palasig Ampang sa pamamagitan ng kalatas na
nilagdaan ni Director for Instruction Abubakar Murray na ilipat ang araw ng
pagsusulit ng USM sa nasabing araw.
Ibigsabihin nito, ang exam na
ibibigay bukas ay ililipat sa araw ng Lunes October 19, 2015.
Ito para bigyan ng pagkakataon
ang mga kapatid na Muslim na ipagdiwang ang Islamic New Year. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento