Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Bangkay ng paslit at binatilyo magkahiwalay na narekober sa North Cotabato at Maguindanao

(Kabacan, North Cotabato/ October 13, 2015) ---Isang bangkay ng batang lalake ang natagpuan sa isang ilog sa barangay Talapas, Datu Montawal, Maguindanao kahapon ng hapon.

Ayon kay PO1 Ramil Dilawangen Montawal, imbestigador ng Datu Montawal PNP, dakong alas 4 ng hapon kahapon nang matagpuan ng mga residente sa lugar ang naturang bangkay at inireport ito sa pulis.

Ang bangkay ayon kay Montawal ay isang batang lalake, nasa lima hanggang 6 na taong gulang, nakasuot ng itim na shorts at walang damit. Wala namang residente sa lugar ang nakakakilala sa bangkay  kaya posible umanong inanod na lamang ito ng tubig.



Posible umanong nalunod ang biktima sa ilog dahil nang siyasatin ng pulisya ang katawan ng biktima wala ni anomang sugat o tama ng baril ito sa katawan .

 Panawagan ni Montawal sa lahat na kung sino man ang ang nawawalan ng batang lalaking kamag anak, ay bisitihin at tignan ang biktima na kasalukuyang nakaburol  sa villa funeral parlor sa bayan ng kabacan o maaring makipag ugnayan sa Datu Montawal hotline number 09168929062.

Samantala sa bayan ng Carmen, North Cotabato, isa ring bangkay ng binata angnakita sa gilid ng daan, partikular sa may rubber plantation papuntang pulangi river sa may bahagi ng Purok 14, Brgy. Poblacion, Carmen, North Cotabato alas pasado alas 5:00 ng umaga kahapon.

Sa report ng Carmen PNP kinilala ang biktima na si Nickie Pandita Sinagay, 19-anyos, isang obrero at residente ng nabanggit na lugar.

Ayon sa ulat isang taga Purok 14 ang nakakita sa biktima na nakahandusay sa gilid ng rubber plantation.

Patuloy pang inaalam ngayon ng mga kapulisan kung anu ang dahilan ng pagkamatay ng biktima. Brex Nicolas


0 comments:

Mag-post ng isang Komento