Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Gov Taliño-Mendoza nanguna sa turnover ng P13.7M Kidapawan City Hospital expansion at water treatment facility project

AMAS, Kidapawan City (Oct 11) – Abot sa P13.7M ang halaga ng Kidapawan City Hospital expansion at water treatment facility project ang pormal na binuksan at pinasinayaan ni Gov Emmylou “Lala” J. Taliño-Mendoza kasama si Dept of Health 12 Regional Director Teogenes F. Baluma noong Oct 9, 2015.

Nakapaloob sa expansion project ang pagpapalawak ng gusali nito kabilang na ang bagong Out-Patient Department o OPD ng naturang hospital.

Pinondohan ng DOH ng abot sa P10M ang proyekto (P5M para sa building at P2M para sa OPD) habang sinagot naman ng Kidapawan City LGU ang P3.7M bilang counterpart.

Ayon kay Gov Taliño-Mendoza, lubhang mahalaga ang expansion project na ito dahil sa lumalaking bilang ng mga nagpapagamot o mga pasyente ng Kidapawan City Hospital kung saan ay mas mapapahusay pa ang serbisyo sa mamamayan.

Kasama ng gobernadora sa turnover sina 2nd District of Cot Board Members Airene Claire Pagal at Noel Baynosa at Integrated Provincial Health Office o IPHO Head Dr. Eva Rabaya.

Ayon naman kay Dir. Baluma, natutuwa ang DOH sa mahusay na partnership ng Provincial Government of Cot at ng health department na nagreresulta sa kapaki-pakinabang na mga health projects.

Nanguna naman sa hanay ng Kidapawan City LGU si Mayor Joseph A. Evangelista kasama ang mga City Councilors na sina Judith Navarra, Peter Salac at Francis Palmones at Kidapawan City Health Officer Jocelyn Incienzo.

Ayon kay Dr. Incienzo, malaking tulong sa kanila ang proyeto partikular sa  pagbibigay ng serbiyong medikal at pangkalusugan sa mamamayan ng Kidapawan City at kalapit na mga lugar. (JIMMY STA. CRUZ-PGO Media Center)


0 comments:

Mag-post ng isang Komento