(Pikit, North Cotabato/ October 16, 2015)
---Tatlong lalaki na hinihinalang nasa likod ng pambobomba sa dalawang
transmission tower ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP)
kamakailan ang nasakote sa isang checkpoint sa Pikit, North Cotabato kamakalawa
ng gabi.
Sa panayam ng DXVL News kinilala ni PInsp. Sindato Karim, pinuno ng Pikit PNPang mga nasakoteng
suspek na sina Sam Hasan ng Datu Paglas, Maguindanao; Jonathan Pangawilan at Kuyog Sultan.
Bandang alas-10 ng gabi nang masakote ang mga
suspek matapos silang masabat lulan ng Kawasaki motorcycle (MG7541) sa
checkpoint na inilatag ng RPSB sa Fort Pikit.
Tinangka pang umiwas ng mga
suspek subalit na nakorner na sila ng mga awtoridad at nakuha sa kanilang pag-iingat
ang isang granada, electrical wires at iba pang mga sangkap sa paggawa ng
bomba.
Magugunita na pinasabog ng mga armadong
kalalakihan ang NGCP Tower 44 at 45 noong Oktubre 9 sa Pikit, Cotabato dahilan
ng malawakang blackout sa Cotabato City at ilang bayan ng Maguindanao. Rhoderick Beñez
Kuryentehen na mga yan, pag pinagpyansa pa mga yan magpapasabog ulit mga yan!
TumugonBurahin