Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Mga illegal na droga, nasabat sa inabandonang motorsiklo ng suspected drug courier sa Matalam, Cotabato

(Matalam, North Cotabato/ October 12, 2015) ---Nasamsam ng mga otoridad ang mga illegal drugs sa narekober na motorsiklo na inabandona ng isang drug courier sa may panulukan ng kalye Langka, Purok Daisy, Brgy. Marbel, Matalam, North Cotabato ala 1:30 ng hapon nitong Sabado.

Ayon sa report ng Matalam PNP inabandona ng pinaniniwalaang drug courier ang minamaneho nitong sasakyan matapos na malaman na may ikinasang highway check ang pinagsanib na pwersa ng Matalam PNP kasama ang pwersa ng Cotabato Provincial Public Safety at ng sundalo sa National Highway ng Matalam-Antipas road.

Sa halip na dumaan sa checkpoint, umiba ng direksiyon ang suspek at tumalilis sa direksiyon papuntang brgy Estado.

Pero sa imbes na humarurot gamit ang motorsiklo, kanya itong iniwan at tumakas.

Sa ginawang pagsisiyasat ng mga kapulisan narekober sa compartment box ng motorsiklo nito ang isang kulay berde na sling bag na naglalaman ng tatlong improvised totter na may mga residue ng illegal drugs, 12 plastic medium size ng heat sealed sachet na naglalaman ng shabu at iba pa.

Narekober din ang resibo ng nasabing motorsiklo na nakapangalan kay Romela Occeña ng Purok Jose Rizal, Makilala, Cotabato.

Agad namang dinala ang mga nasabat na ebedensiya at ang motorsiklo sa himpilan ng Matalam PNP. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento