Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

COMELEC Kabacan, handa na para sa pagtanggap ng COC ng mga kakandidato sa lokal na posisyon

(Kabacan, North Cotabato/ October 11, 2015) ---Handa na ang Commission on Elections (Comelec Kabacan) para sa gagawing filing ng certificate of candidacy (COC) na magsisimula bukas Oktubre 12 at magtatapos sa Oktubre 16.

Ayon kay Kabacan Election Officer III Ramon Mario Jaranilla sa panayam ng DXVL News pansamantala muna nilang ititigil sa mga nabanggit na petsa ang registration, activation at pagpa-biometrics sa mga regular na botante.

Pagkatapos ng filing ng COC ng mga lokal na kandidato ay kanilang ianunsiyo ang mga ito.


Samantala, abot sa 900 pa lamang ang nakapag-biometrics mula sa 3,800 na mga botante na hindi pa nakapag-biometrics.

Sinabi naman ni Jaranilla na karamihan sa mga di nakapag-biometrics ay dating mga bakwit sa bayan na bumalik na sa kanilang lugar. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento