Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Mayor Guzman at mga kaalyado nito naghain na ng kanilang COC sa ilalim ng Liberal Party

(Kabacan, North Cotabato/ October 17, 2015) ---Naghain na ng kanyang kandidatura si Incumbent Mayor Herlo Guzman Jr. para sa kanyang ikalawang termino sa pagka-alkalde sa bayan ng Kabacan kahapon ng umaga.

Bago nagtungo sa Comelec Kabacan ay, nagkaroon muna ng maikling programa ang line up ng opisyal sa ilalim ng Liberal Party kungsaan isa-isang prenisinta ang mga tatakbong konsehal sa ilalim ng kanyang partido political.

Kasama ni Mayor Guzman ang kanyang running mate sa pagka-vice Mayor na si incumbent vice Mayor Myra Dulay Bade.


Suportado naman ang alkalde ng kanyang may bahay na si Gelyn Pascua Guzman kungsaan namataan ito sa municipal gym.

Kabilang naman sa mga tatakbong konsehal sa ilalim ng partidong Liberal ay sina incumbent councilor Rhosman Mamaluba, Reyman Saldivar, George Manuel, Herlo Guzman Sr. at si ABC Pres. Kapitan Raymundo Gracia, Romeo Mantawil, Manny Pedtamanan, Datuan Macalipat.

Mismong si councilor Jonathan Tabara ang nagpakilala sa mga kandidato kungsaan tatakbo naman si Tabara bilang Board Member ng 3rd district.

Nag-alay naman ng panalangin at nagbigay ng salita ng Diyos si Pastor Josue Solomon sa mga official kungsaan gi-pray over ang mga ito.

Halos lahat naman ng Barangay opisyal ay nagtungo sa nasabing programa kahapon ng umaga, na ayon pa sa alkalde ay pagpapakita ito ng suporta na ituloy ang ikalawang termino ng Unlad Kabacan Team.

Bago naman nag hain ng COC ang mga nasabing opisyal ay isinagawa muna ang turn-over ng isang unit ng tractor na ibinigay ng Department of Agriculture sa bayan ng Kabacan kungsaan iti-nurn-over ito ni Mayor Guzman sa Kapitan ng Bgry. Nangaan.

Samantala sa kaugnay na balita, naghain din kahapon ng kanilang kandidatura sina Arnal Bualan Buday na tatakbong konsehal, Bonnie Kalantongan, Mohalidin Saib, Toto Laguilaot.

Kahapon ng umaga ay tumungo din sa Comelec Office ng Kabacan si Incumbent councilor Ayesha Quilban upang mag-file ng kanyang COC para sa ikalawang termino sa pagka-konsehal.

Bagama’t nakapag-file na ng kanyang COC si Datu Masla Mantawil, hindi muna inilabas sa media ng kanyang staff kung anung posisyon ang kanyang tatakbuhan.

Samantala, naghain din ng kanyang COC pasado alas 8:00 ng umaga si LMT Jabib Guiabar na tatakbo naman bilang Board member sa ikatlong distrito ng lalawigan.

Sa isang programa sa 8th Avenue, ipinahayag ng opisyal ang kanyang layunin kung bakit ito tatakbo sa nasabing posisyon.

Ito upang maibahagi nito ang kanyang mga nalalaman kaugnay sa usapang pangkapayapaan, edukasiyon at iba pa. Rhoderick Beñez





0 comments:

Mag-post ng isang Komento