Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Mga naghain ng kandidatura para sa Mayoralty bid sa Comelec Kabacan, nasa 4 na!

(Kabacan, North Cotabato/ October 16, 2015) ---Nasa apat na katao ang naghain ng kanilang kandidatura para sa Mayoralty bid sa bayang ng Kabacan, as of 11am kahapon umaga.

Batay sa datos na inilabas ng Comelec Kabacan alas 8:24 ng umaga kahapon ay naghain na ng kanyang kandidatura si Poblacion Kapitan Mike Remulta sa ilalim ng Nationalist People’s Coalition o NPC.

Naghain din ng kanyang kandidatura para sa pagka-alkalde rin si Sultan Datumaido Lawi bilang Independent.

Maliban sa dalawa una na ring naghain ng kanilang kandidatura sa mayoralty bid sina Adal, Ibrahim Ungkal sa ilalim ng PBM at dating Mayor Luzviminda Jumuad Tan bilang Independent.

Bukod sa nabanggit, nagsumite rin ng kanilang kandidatura sina Cacananta, Rebecca Edu pagka konsehal, Guiamolod, Tatuan Malugayac, Bautista, Marodjim Vallejos at Pulido, Aurelio Jr. Dulay.

Aasahan namang maghahain din ng kanyang kandidatura ang partido ni Incumbent Mayor Herlo Guzman Jr. ngayong araw matapos ang gagawing programa ng partido liberal.

Kapnsin-pansin din na wala pang naghain ng CoC sa pagka-vice mayor ng bayan ng Kabacan. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento