Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

47th Founding Anniversary ng Brgy. Dagupan sa bayan ng Kabacan, ipinagdiriwang!

(Kabacan, North Cotabato/ October 16, 2015) ---Iba’t-ibang mga aktibidad ang inilatag ng pamunuan ng Brgy. Council ng Dagupan hinggil sa kanilang ika-47 taong anibersaryo ngayong taon.

Pinangunahan mismo ni Dagupan Kapitan/ABC President Raymundo Gracia kasama ng kanyang mga konsehal ang kanilang kapiestahan.

Nagsimula ang iba’t-ibang aktibidad nito pang October 13 hanggang sa 17.

Kamakalawa ng gabu, masayang isinagawa ang Ginuong at Ginang Dagupan kungsaan maraming mga taga-Dagupan ang naaliw sa presentasiyon ng limang mga ginuong at ginang Dagupan.

Naging panauhing pandangal naman sa nasabing programa kagabi si councilor Jonathan Tabara.

Ang Ginuong at ginang Dagupan sa nasabing brgy ay its one of a kind sa kanilang lugar na pinangunahan ni mam Helen Gracia ang may bahay ni Kapitan Raymundo Gracia na siyang overall coordinator at ni MLGOO Ivy Cervantes.

Sa nasabing search, ng mga mister and misis ay ditto pinapahalagahan ang pagsasamahan ng mga mag-asawa.

Kahapon naman ay gagawin ang kanilang motocross.

Ngayong araw naman (October 17) ang culmination program at inaasahang magiging pnauhing pandangal si Cot. Gov. Emmylou Lala Talino Mendoza kungsaan nakasentro ang founding Anniversary sa temang ‘Pagkakaisa at pagmamalasakit sa kapwa tungo sa payapa at maunlad na barangay’.


0 comments:

Mag-post ng isang Komento