Kidapawan
City (Oct
11) – Mismong si Gov Emmylou “Lala” J. Taliño-Mendoza and nanguna sa formal
turnover ng apat na mga upgraded birthing facilities o bahay paanakan sa
Kidapawan City noong Biyernes, Oct 9, 2015.
Ito ay ang mga birthing facilities sa
Barangay Meohao na nagkakahalaga ng P400,000; Barangay Perez-P350,000;
Nuangan-P300,000 at Macebolig-P300,000 na pawang pinondohan ng Dept of Health
sa ilalim ng Health Facility Enhancement Program nito.
Ayon sa gobernadora, malaking tulong ang
naturang mga pasilidad sa mga residente partikular sa mga manganganak dahil mas
tiyak ang kaligtasan ng mga tao kumpara sa panganganak sa bahay.
Malugod namang tinanggap ng mga Barangay
Chairmen na sina Bernabe Ano, Sr. ng Meohao, Allan Masibay, Sr. ng Perez,
Ronnie Duak ng Nuangan at mga barangay officials ng Macebolig, Kidapawan City
ang mga proyekto.
Sa kanilang mga mensahe, pinasalamatan ng
naturang mga lider ang Provincial Government of Cotabato sa pangunguna ni Gov
Taliño-Mendoza dahil sa pagsisikap nitong maihatid sa mamamayan ang mga basic
services tulad ng proyektong kanilang tinanggap.
Sinabi naman ng gobernadora na patuloy ang
kanyang administrasyon sa pakikipag-partner sa DOH at sa iba pang ahensiya ng
pamahalaan sa pagpapatupad ng mga kapaki-pakinabang na proyekto.
Ang naturang mga birthing facilities ay ilan
lamang sa mga infra-projects na naipatupad sa ilalim ng administrasyon ni Gov
Taliño-Mendoza alinsunod na rin sa adbokasiya ng “Serbisyong Totoo”. (JIMMY STA. CRUZ-PGO Media Center)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento