Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

BOTOHAN 2016: Gov. Lala Taliño Mendoza, naghain na ng kanyang COC

(Amas, Kidapawan City/ October 15, 2015) ---Sa pamamagitan ng isang press conference ay inihayag ni Incumbent Governor Emmylou “Lala” Taliño Mendoza ang kanyang line-up sa ilalim ng partidong Liberal, bago ito naghain ng kanyang certificate of candidacy (COC).

Bagama’t wala pang tiyak na makakalaban ang gobernadora, hindi naman siya kampante at kailangan pa rin nitong mangangampanya.

Magiging running mate ng gobernador si Vice-Governor Gregorio Ipong.

Namataan din sa nasabing press conference kanina si 1st District Congressman Jesus ‘Susing’ Sacdalan, 3rd District Congressman Jose ‘Ping-ping’ Tejada, Board member Dulia Sultan at si Pikit Mayor Muhyryn Sultan Casi.

Ayon sa opisyal ay hindi umano nagsabay-sabay na nag-file ng kanilang COC ang kanyang mga kaalyado sa pulitika sapagkat naniniwala sila sa ‘Fung Shui’.

Makakalaban naman ni Cong. Tejada si board Member Maybell Valdevieso na nakapaghain na rin ng kanyang COC.

Naghain na rin ng kanyang COC kanina si Kabacan Councilor Jonathan Tabara.

Ayon kay Mendoza, naniniwala ito na magiging basehan ng mga botante sa pagpili ng mga iluluklok sa pwesto ay ang mga performance o mga nagawa ng mga opisyal. Rhoderick Beñez



0 comments:

Mag-post ng isang Komento