Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

North Cotabato MILF Spokesperson Guiabar, nagdeklara ng kanyang kandidatura sa pagka-Board Member ng 3rd District

(Kabacan, North Cotabato/ October 14, 2015) ---Pormal ng nagdeklara ng kanyang kadidatura bilang board member aspirant ng ikatlong distrito ng North Cotabato si Local Monitoring Team chair Jabib Guiabar.

Mismong sa himpilan ng DXVL-Radyo ng Bayan nag-anunsiyo noong Martes (October 13) ng kanyang intensiyon na tumakbo sa nasabing posisyon para sa 2016 na halalan si Guiabar.

Aniya, marami umanong mga konsultasiyon ang ginawa ng kanyang mga taga-suporta kasama na ang kanyang mga pamilya na nag-kumbinsi sa kanya na sumabak uli sa pulitika.

Sa ngayon ay wala pang partido political ang opisyal at maghahain ito ng kanyang kandidatura bilang independent sa Biyernes, October 16.

Sakali mang mailuklok bilang kasapi ng Sangguniang Panlalawigan, kanyang ibabahagi ang mga kaalaman may kaugnayan sa peace and order, edukasiyon, agrikultura at imprastraktura.

Giit nito, na kahit hindi pa man siya humahawak ng katungkulan sa pamahalaan ay patuloy ang kanyang pag-suporta sa pamunuan ni Cotabato Gov. Lala Taliño Mendoza at maging kay Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr.


Siyam na taon din itong naglingkod bilang konsehal sa bayan ng Kabacan.

0 comments:

Mag-post ng isang Komento