Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Ilang Mga barangay sa 3 bayan sa 1st District ng North Cotabato, kinukunsiderang ‘na nasa watch list ng Comelec’

(Kabacan, North Cotabato/ October 15, 2015) ---Kinukunsidera ngayon ng Commission on election North Cotabato ang ilang mga barangay sa tatlong bayan sa unang distrito ng lalawigan na posibleng ilagay sa ‘areas of immediate concern’.

Ayon kay Provincial Comelec Officer Atty. Duque Kadatuan, ilan sa mga barangay na ito ay buhat sa bayan ng Pikit, Pigcawayan at Midsayap.

Hindi pa naman matukoy ng opisyal kung ilang mga barangay ang kanilang tututukan dahil isailalim pa ito sa validation ng National Police at Armed Forces of the Philippines.

Sinabi ni Kadatuan sa DXVL News na pagkatapos ng filing ng Certificate of Candidacy o COC ay magkakaroon sila ng Provincial Coordinating conference upang pag-usapan ang mga barangay na isasailalim nila sa watch list ng comelec.

Samantala, muling nagpaalala si Atty. Kadatuan sa mga mag-fi-file ng kanilang COC na sikaping mas maaga na pumunta ngayon sa Provincial Comelec Office dahil hanggang alas 5:00 ng hapon na lamang sila huling tatanggap ng kanilang COC. Rhoderick Beñez



0 comments:

Mag-post ng isang Komento