Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

PSA-North Cotabato, nagpaliwanag hinggil sa pagkakabalam ng sweldo ng ilang mga Enumerators ng Census

(Kabacan, North Cotabato/ October 15, 2015) ---Ipinaliwanag ng Philippine Statistics Authority PSA-North Cotabato ang dahilan kung bakit delayed ang sahod ng ilang mga nag-served bilang enumerators sa nagdaang census of population sa lalawigan.

Ayon kay PSA-North Cotabato staff Helen Konango na bago gawan ng payroll ang mga enumerators ay dapat nakumpleto nila ang mga i-susumeting mga dokumento at idadaan din nito sa masusing screening.

Paliwanag ng opisyal na ang unang sampung araw ng kanilang sahod bilang enumerators sa PSA ay naibigay na ng ahensiya.

Sa ngayon, hindi pa masabi ng pamunuan ng PSA-North Cotabato kung kailan darating ang sahod ng mga ito.

Aniya, mula naman sa Central Office ng PSA ang budget at agad naman nilang ibibigay ito sakali mang maidownload na sa probinsiya.

Sinabi ng opisyal na malawak ang probinsiya ng North Cotabato at bawat bayan ditto ay sinisiyasat nila ang mga trabaho ng enumerators kaya posibleng matatagalan pa bago sila makapag-sumite ng data sa Region.

Ito din ang isa sa mga dahilan kung bakit di mailabas pa ang kabuuang sahod ng mga ito.

Pero sa bayan ng Kabacan, lahat naman ng mga enumerators ay naka-pag-submit na. DXVL News!

0 comments:

Mag-post ng isang Komento