Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

High School Football Player at isa pa, patay sa Mlang Explosion; mga sugatan umakyat na sa 25

(Mlang, North Cotabato/ November 23, 2014) ---Dalawa ang kumpirmadong naiulat na namatay habang 25 na iba pa ang sugatan makaraang sumabog ang pinaniniwalaang Improvised Explosive Device malapit sa Billiard Hall na nasa panulukan ng Municipal Plaza sa bayan ng Mlang, North Cotabato alas 7:30 nagyong gabi lamang.

Sa panayam ng DXVL News kay Mayor Joselito Piñol kinilala nito ang mga nasawi na sina Rorence Camiring Cachapero, 16-anyos, 4th year High School, Football Player at residente ng
Roxas St., Poblacion A, habang kinilala naman ang isa pa na si Jade Villarin Catinoy, 17-anyos at residente ng Poblacion B ng nasabing bayan.

Sa hiwalay na ulat ng PGO Media Center umakyata naman sa 25 ang mga sugatan.

Kinilala ang mga sugatan na sina:

1. Ian Cruz
2. John Ramirez
3. Mar Jon Billones
4.Ian Cris Quintinita
5.Kenneth Garcia
6. Francisco Rio
7. Joemar Basas
8. Ruth Billiones
9. Amar Paras
10. Beverly Brazillion
11. Norelyn Catinoy
12. Mike Laba
13. Ali Aguirre
14. Solemar Baligasa
15. Apolinario Egut
16. Kgd. Rick Javier
17. Ruel Sales


Agad namang kinordon ngayon ng mga kapulisan ang lugar ng pinagsabugan habang inaalam pa ng mga EOD team kung anung uri ng IED ang sumabog.

Agad namang kinondena ngayon ni Cotabato Gov. Emmylou “Lala” Taliño Mendoza ang panibagong pagsabog sa bayan ng Mlang.

Statement from the Office of the Governor Lala Taliño Mendoza in the recently explosion of IED in Mlang, Cotabato. The provincial government priority is to assist all the victims. PNP and Army are directed to work and coordinate very closely with each other to identify the perpetrator/s and bring them to justice.
WE demand justice for all the victims and peace loving people of Mlang. 
The provl govt condemns in the highest form such adventurism. Provincial Administrator Van Cadungon, PDRRMC, Integrated Provincial Health Office, BM Maybell Valdevieso are already in the area assisting the victims specially those confined in Mlang District Hospital.

Matatandaan na nitong nakaraang linggo din ay pinasabugan ang bayan ng Kabacan ng 60MM kungsaan isa ang naiulat na namatay habang 16 ang nasugatan sa ied na itinanim sa overpass ng Kabacan. Rhoderick Beñez



0 comments:

Mag-post ng isang Komento