Written by: Rhoderick BeƱez
(Cotabato City/March 16, 2012) ---Kung dati ay hirap sa malinis na tubig na maiinom ang mga residente ng barangay Tual sa bayan ng Paglat, Maguindanao sa ngayon lubos ang kanilang pasasalamat sa programang hatid ng OXFAM na Water, Sanitation and Hygiene o (WASH).
Ayon kay Brgy Kapitan Norodin Hadjimanid lubos ang kanilang pasasalamat sa nasabing Non-Government Organization bagama’t pormal ng isinagawa ang closing program ng nasabing proyekto ng OXFAM kamakailan sa Cotabato city.
Tiniyak naman ng brgy Kapitan na kanilang pangangasiwaan ng maayos ang proyektong ibinigay sa kanila ng OXFAM kagaya ng mga puso o bomba na siyang pinagkukunan nila ng malinis na tubig at higit sa lahat ay ang capability building.
Umaasa naman ang pamunuan ng OXFAM na maitaguyod ng mga residente sa lugar ang kanilang sinimulang adhikain tungo sa pagbibigay ng malinis na tubig sa kanilang brgy sa tulong na rin ng kanilang mula sa brgy at bayan.
Ang nasabing programa na ipinatupad ng OXFAM kaagapay ang UNICEF sa dalawang brgy sa Maguindanao ay ang Building Resilient Communities (BRiC).
Sa panayam ng DXVL-News kay OXFAM Country Director Snehal Soneji tiniyak nito na ang pagtatapos ng programa ay simula lamang ng kanilang adbokasiya sa pagbibigay ng tulong sa mga mahihirap na pagkaroon ng malinis na tubig maiinom.
Aniya, sa mga susunod na araw kanilang ring palalawakin ang programa hindi lamang sa erya ng Maguindanao kundi maging sa buong Mindanao.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento