Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Pamilya, kaanak, at mga kaibigan na nakadaupang-palad ng magsasakang namatay sa rabies sa Kabacan, North Cotabato sumailalim na sa intensive vaccination

(Kabacan, North Cotabato/March 15, 2012) ---Isinailalim na kahapon sa intensive rabies vaccination ang pamilya, kaanak, at mga kaibigan ng namatay na si Diosdado Condrillon ng Kabacan, North Cotabato.
           
Tig-da-dalawang dose ng rabies vaccine ang itinurok sa abot sa 40 katao, kabilang na rito si Mildred, ang misis ni Diosdado, at anim niya’ng mga anak.
           
Nabakunahan din kahapon ang abot sa 20 pang mga kaibigan ni Diosdado na kasabay din niya’ng kumain noong January 5 ng aso na may rabies.


Si Diosdado, 34, ay namatay noong March 8 matapos kumalat na ang rabies sa kanyang utak.
           
Mismo’ng alaga niya’ng aso ang nakakagat sa kanya noong January 5.  Pero sa halip obserbahan ang aso ay kinatay niya ito at ginawang pulutan sa kanilang inuman sa Barangay Bannawag, Kabacan.
           
Maging ang misis ni Diosdado at mga anak niya nakakain rin ng naturang kinatay na aso.
           
Pero hindi pa tapos ang kalbaryo ni Aling Mildred.

May pangatlo at pang-apat pang dose ng rabies vaccine.   Pero ang gastusin dito ay aakuin na nila.

Kaya’t hirap si Aling Mildred sa paghahanap ng pondo pambili ng naturang bakuna.

Si Mildred ay walang trabaho at kailangan pa niya’ng buhaying mag-isa ang anim niya’ng mga anak.

0 comments:

Mag-post ng isang Komento