Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Disaster Risk and Climate Change sentro sa convocation program ng women’s month Celebration ng Kabacan LGU; ngayong umaga

Written by: Rhoderick Beñez

(Kabacan, North Cotabato/March 12, 2012) ---Kasabay ng pag-obserba sa buong mundo ng Women’s Month ngayong buwan ng Marso, binuo sa bayan ng Kabacan ang Local Council for Women (LCW).

Kaugnay nito, gagawin ngayong umaga sa Kabacan gymnasium ang convocation program kungsaan nakatutok ang programa sa Women’s Month Celebration.


Sentro ng nasabing programa ang tungkol sa Disaster risk and climate change bilang dagdag kaalaman sa mga kababaihan at ang malaking papel na ginagampanan ng mga ito sa lipunan na kanilang ginagalawan.

Kaugnay nito, inaanyayahan ngayon ng bagong Local Council for Women chair Yvone Saliling ang lahat ng mga kababaihan sa bayan na makiisa at dumalo sa programa ngayong umaga sa isasagawa sa Kabacan gymnasium.


Samanatala, matapos pumili ng opisyales ang grupo ng kababaihan, kanilang pinagkasunduan ang pagtakda ng ilang mga aktibidad na kanilang gagawin sa buong buwang pakikiisa sa pag-obserba ng Women’s Month na may temang “Women Weathering Climate Change: Governance and Accountability everyone’s Responsibility.”

Ang mga aktibidad na umani ng suporta ng lokal na pamahalaan ay kinabibilangan ng programang “Alay sa Kababaihan” Medical at Dental Services at Eye Examinations. Ang mga ito ay gagawin sa iba’t-ibang araw ng buwan ng kababaihan.

Pinaghahandaan din ng grupo ang pagbubukas ng Gender Welfare Assistance Center (GWAC) na itatatag sa Kabacan Terminal Complex. Ito ay nakatakdang ilunsad sa April a-2, 2012.

Ang bagong binuong LCW-Kabacan ay pamumunuan ni chairperson Yvonne Saliling.

Katuwang nito sa pagtataguyod ng mga aktibidad para sa pagsulong ng karapatan at kapakanan ng mga kababaihan dito sa bayan ng Kabacan ang iba pang mga opisyal na sina vice chair Felicitas Dulay; Secretary-Sarah Jane Guerrero ; assistant secretary-Zynab Ampatuan; Treasurer-Joyce Subillaga; Assistant Treasurer-Editha Samson; Auditor-Dra. Evangeline Embalsado; Public Relations Officer Lolita Corpuz; Academe Representative Dr. Nonita Dumagan at League of Women Barangay Kagawad representative Aurora Calmerin.

0 comments:

Mag-post ng isang Komento