(Pikit, North Cotabato/March 17, 2012) ---Ipinakalat na ngayon ang dalawang team mula sa 7th Infantry Battalion, mga CAFGU mula sa 38th IB, mga Barangay Peacekeeping Action Team, at mga pulis ang itinalaga sa Barangay Nalapaan, Pikit, para magsilbing security force sa mga trabahante at heavy equipment ng Chinese-owned construction firm na nagsasagawa ng road rehabilitation project sa Pigcawayan-Pikit highway.
Sa kabila nito, nalusutan pa rin ang mga nagbabantay sa erya makaraang, pinasabugan ng IED ang backhoe na ginagamit sa road construction sa Barangay Nalapaan, Pikit, kamakalawa.
Batay kasi sa report, lumalabas na Limang milyon ang hinihinging protection money ng armed lawless group.
Sa ngayon patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad upang alamin kung anung grupo ang nasa likod ng nasabing extortion.
Ang IED, ayon sa report, ay hindi gumamit ng celfon bilang triggering device.
Hindi rin ito ang tipo ng bomba na pinasabog sa nakalipas na ilang mga buwan sa lalawigan.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento