Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Isang heavy equipment pinasabugan sa Pikit, North Cotabato

Written by: Rhoderick Benez


(Pikit, North Cotabato/March 15, 2012) ---Ginulantang ng malakas na pagsabog ang ilang mga residente ng Brgy. Nalapaan, Pikit, North Cotabato partikular na nangyari ang insedente sa may crossing Panicupan at sa brgy Solar drier ng nabanggit na lugar bago mag alas 9:00 ngayong gabi lamang.

Ayon kay P/Insp Elias Dandan, hepe ng Pikit PNP ang nasabing Improvised Explosive Devised o IED ay gawa umano sa 81mm mortar matapos itinanim ang naturang pampasabog sa may harapan umano ng Backhoe na di kalayuan lamang sa Military detachment.

Possible umanong inilagay ang ied kagabi habang kasagsagan ng brown-out.

Wala naman umanong may nasugatan o nasawi sa nasabing pagsabog.

Sa ngayon inaalam na ng mga otoridad kung anung grupo ang responsable sa panibagong insedente ng pambobomba sa lugar.

Ito na ang pang-apat na insedente ng pambobomba ngayong taong ito sa Probinsiya ng North Cotabato.

Posible umanong extortion ang motibo ng pambobomba, ayon sa mga otoridad.

0 comments:

Mag-post ng isang Komento