Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

North Cotabato First District Congressman, pinasalamatan ng mga nagtapos na TESDA scholars; CMFCI nagdiwang ng Platinum Years of Service

(Midsayap, North Cotabato/March 17, 2012) ---Nagdiwang kamakailan ang Cotabato Medical Foundation College Inc. o CMFCI ng kanilang Platinum Anniversary o 70 years of service. Kasabay nito ay ang idinaos na graduation ng mga TESDA Healthcare Services NC II Scholars.


Sa report ni PPALMA News Correspondent Roderick Bautista, nabatid na personal ding nilapitan ng mga nagtapos na TESDA scholars si Congressional District Office Political Affairs Officer Engr. Jerry J. Pieldad upang ipaabot kay North Cotabato First District Cong. Jesus Sacdalan ang kanilang pasasalamat.
Si Engr. Pieldad ang inimbitahang guest speaker sa natukoy na graduation exercises. Sa kanyang mensahe, binigyang diin ni Engr. Pieldad ang kahalagahan ng edukasyon upang labanan ang kahirapan. Tinukoy din nito ang ginawang inistyatibo ni Cong. Sacdalan upang makapaglaan ng pondo partikular para sa TESDA scholarships.

Nagpaabot din ng pasasalamat ang CMFCI dahil sa tiwalang binigay ni Cong. Sacdalan sa kanilang paaralan bilang ka-partner sa pagpapatupad ng Edukasyon para sa Kapayaan Program na isinusulong ng kongresista.

Isa sa layunin ng Edukasyon para sa Kapayapaan ay ang makapagbigay tulong at suporta sa mga kabataang nais makapag-aral tulad ng technical and vocational courses na bahagi naman ng commitment ng opisyal kaugnay ng pagsusulong ng edukasyon sa kanyang distrito.

Maliban sa CMFCI, may iba pang educational institutions sa unang distrito ng North Cotabato na ka- partner ng tanggapan ni Cong. Sacdalan at ng TESDA sa pagsusulong ng education support program na ito.

Matatandaang ang CMFCI ay may magandang passing rate sa mga dumaang Nursing Board Examination.

0 comments:

Mag-post ng isang Komento