Written by: Rhoderick BeƱez
(USM, Kabacan, North Cotabato/March 13, 2012) ---Tutulak ngayong buwan ng Mayo papuntang Japan si Lily Jean “Isay” Cacatian para sa kanyang short term visit sa naturang bansa bilang student ambassador for the Disaster Management and Recovery Program ng Japan-East Asia Network of Exchange for student and Youth o JENESYS.
Photo courtesy by: Sir Allan Facurib |
Ang nasabing programa ay nakatuon sa pagpapalawak ng kaalaman hinggil sa kung anu ang ginagawa ng bansang Japan matapos tinamaan ng matinding kalamidad noong March 11, 2011.
Isa sa mga bibigyang diin dito ay ang mabilis na pagbangon ng bansa dala ng dilubyu na tumama sa kanilang lugar.
Si Cacatian ang isa sa mga napili bilang exchange student para sa nasabing programa.
Siya ay nagtapos ng kanyang High School sa University Laboratory School o ULS noong taong 2008 at ngayon ay graduating DEVCOM Student ng USM.
Ngayong araw nakatakda rin siyang paparangalan bilang Outstanding Student Leader sa gagawing gawad parangal ngayong umaga na isasagawa sa USM Gymnasium, isang taunang parangal ng pagkilala sa lahat ng mga mag-aaral ng USM hindi lamang sa akademiko kundi maging sa sports at extra curricular.
Magiging panauhing tagapagsalita ngayong umaga si Hon. Romulo Presto, ang county Manager, SDS Kibushiki Kaisa.
Ang nasabing recognition program ay pangungunahan mismo ni USM Pres. Jesus Antonio Derije.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento