Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Estudyante ng USM tinutukan ng baril, cell phone tinangay

Written by: Rhoderick BeƱez


(Kabacan, North Cotabato/March 14, 2012) ---Takot at panginginig ang nadarama ng isang mag-aaral ng USM matapos na tinutukan ito ng baril habang naglalakad papasok ng Villanueva Sabdivision alas 9:00 kagabi.

Ayon sa report, dalawang di pa nakilalang armadong lalaki na riding in tandem umano na sakay sa isang single motorcycle ang bigala dumikit sa biktima at tinutukan ito ng baril sa tiyan.
Nakuha ng mga suspetsado mula sa biktima ang kanyang cellphone na agad namang tumalilis papalayo sa di malamang direksiyon.

Ang nasabing estudyante na kumukuha ng kursong education sa USM ay papauwi na sana sa kanyang boarding house sa abellera ng maganap ang insedente.

Sa ngayon paalala naman ng mga otoridad partikular na sa mga estudyante na kapag wala namang masyadong importateng lakad ay iwasan na ang paglalakwatsa sa labas ng mga dis oras na ng gabi.

0 comments:

Mag-post ng isang Komento