Written by: Ferdinand Miano
Libro para sa munting isip ito ang programang magkatuwang na isinulong ng Department of Psychology ng University of Southern Mindanao sa pakikipagtulungan ng Department of Social Welfare and Development Office ng bayan ng Kabacan.
Layon ng programa na makapagbigay ng early childhood education services para sa mga kabataang edad 4 hanggang 6 na taong gulang.
Ngayong araw katorse (14) sa buwan ng marso ipamimigay na ng department of Psychology ang mga libro para sa mga Day care Children dito sa bayan ng Kabacan na gagawin naman sa University Convention Hall.
Highlights ng programa ang workshop on strategies for early childhood worker na pinamagatang “Fun to read and Play”, small group reading sessions for early childhood Pupil, Feeding Program, Palarong Pambata kasabay ng pamimigay ng mga nasabing Libro para sa mga kabataan.
Kaqsabay din sa distribution ngayong araw ang Launching ng Libro para sa Mindanao na naglalayong ipunin ang lahat ng originally written stories na nagpopromote ng kapayapaan, culturally sensitive at gender perspective.
Dagdag pa dito ang kunteksto ng nabanggit na compilation ay nakatuon sa buhay,m tao at kultura ng Mindanao.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento