Written by: Roderick Bautista
(Pikit, North Cotabato/March 16, 2012) ---Nakiisa ang mga residente ng barangay Poblacion Pikit, North Cotabato sa isinagawang Food-for-Work na tinawag na Bayanihan at Pagkain para sa Kapayapaan.
Sinabi naman ni Poblacion Pikit Barangay Kagawad Frammy Villanueva na abot sa humigit kumulang 100 katao ang sama- samang naghukay at inayos ang tinatayang 4.5 kilometer na kanal sa barangay Poblacion Pikit at ang desilting ng 1.5 kilometer na kanal sa boundary ng Poblacion at Barangay Gli- gli.
Ang inisyatibong ito ay pinangunahan ng tanggapan ni North Cotabato First District Representative Jesus “Susing” Sacdalan sa pakikipagtulungan sa Barangay Local Government Unit ng Poblacion Pikit.
Ayon kay Congressional District Office Special Operations Focal Person Benny Queman, ibinahagi sa bawat indibidwal na lumahok sa food-for-work ang tig pitong kilo ng bigas bilang insentibo sa loob ng isang buong araw na pagtulong sa nasabing gawain.
Sinimulan ang food-for-work sa Poblacion Pikit noong March 5 at inaasahang matatapos ngayong darating na Sabado, March 17 ng taong kasalukuyan.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento