Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Paghiganti para sa kamatayan ng pinaslang na pari sa North Cotabato di raw hiningi ng Simbahang Katoliko


(Kidapawan City/March 14, 2012) ---Kung ang pamunuan ng Dioces of Kidapawan umano ang tatanungin hindi nila hinihingi na ipaghiganti ang naging kamatayan ni Father Fausto Tentorio, PIME.

Para kay Bishop Romulo dela Cruz ng Diocese ng Kidapawan, hindi kaylanman sagot sa sinisigaw nila’ng hustisya ang karahasan.
Ginawang halimbawa ni Dela Cruz ang naging pagpatay ng New Peoples’ Army o NPA sa Swiss-Filipino national na si Patrick Wineger na sinasabing konektado sa Tentorio killing.

Sa halip karahasan, mas pipiliin pa umano ni Bishop dela Cruz ang mapayapang paraan sa pagkakamit ng katarungan sa karumal-dumal na pagpatay kay Father Tentorio.

Sa kanyang homily sa isang misa sa Mediatrix of all Grace Cathedral noong Linggo, umapela si Bishop dela Cruz sa mga mananampalatayang Katoliko na samahan siya sa pagdarasal para makamit sa bahagi’ng ito ng Mindanao ang tunay na kapayapaan na naaayon sa kung ano ang turo ng Dakilang Ama.  
Sa panig naman ni Aling Marian Wineger, ina ng pinaslang na si Patrick, di raw nasayang ang buhay ng anak dahil inilaban niya ang para sa kabutihan ng mga Pinoy.


0 comments:

Mag-post ng isang Komento