Written by: Rhoderick BeƱez
(Kabacan, North Cotabato/March 15, 2012) ---Kung dati abot lamang sa isa o dalawang oras ang ipinapatupad na load curtailment sa mga service erya ng Cotabato Electric Cooperative o Cotelco ngayon abot na sa limang oras ang power interruption na mararanasan ng mga konsumedures nito.
Ito ang sinabi mismo ni Cotelco Spokesperson Vincent Lore Baguio matapos na ibinaba na ng National Grid Corporation of the Philippines o NGCP sa 22.2 megawatts ang supply ng kuryente sa Cotelco na siyang power distributer ng North Cotabato.
Kaya maging ang mga business sector at yaong may mga mamahaling appliances sa bahay ay inis sa biglaang pagkawala ng kuryente na walang abiso.
Pero paliwanag ng cotelco, di nila saklaw ito dahil ito ay gawa ng NGCP.
Sa panig naman ng National Grid Corporation of the Philippines, sinabi ni NGCP Corporation Communication & Public Affairs Officer for Mindanao Milfrance Capulong na nitong Martes lamang ay may kakulangan sa supply ng kuryente na abot sa -160megawatts.
Paliwanag pa ng opisyal na umaabot sa 200megawatts ang average na kulang sa supply ng kuryente sa bahaging ito ng Mindanao.
Giit pa ni Capulong na ang kakulangan sa power supply na pinapadala sa kanilang linya ang nagpapalala sa rotating brown-out na tumatagal ng ilang oras.
Gayunpaman, nilinaw nito na hindi sa NGCP ang problema kundi nasa sektor ng generation dahil wala umanong dagdag na generation plant para punan ang lumalaking demand ng supply ng kuryente sa Mindanao.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento