Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Outstanding student leader ng USM at SKPSC, napiling Ambassador for Disaster Management and Recovery Program


(PIA, Koronadal city/March 14, 2012)  ---Dalawang outstanding student leaders mula sa University of Southern Mindanao (USM) at Sultan Kudarat State University (SKSU) ang kakatawan sa Rehiyon Dose bilang Ambassador for Disaster Management and Recovery Program sa bansang Japan.

Kasalukuyan ng naghahanda sina Lily Jean Cacatian, BS Development Communication ng USM-Kabacan at Angel Marie Ysik, BS Education ng SKPSC-Tacurong City para sa kanilang sampung araw na pagbisita sa bansang Japan upang makakuha ng karanasan at aral hinggil sa disaster management at recovery efforts ng bansa pagkatapos ng pinsalang dulot ng lindol at tsunami noong Marso a-13, 2011.
Tutulak papuntang Japan sa darating na buwan ng Mayo ang dalawang estudyante sa ilalim ng
Japan-East Asia Network of Exchange Students and Youths (JENESYS) Programme na pinondohan ng Pamahalaang hapones sa ilalim ng Japan International Cooperation Center (JICE) at ng National Youth Commission (NYC).

Si Cacatian ang napiling Oustanding Student Leader ng USM ngayong taon, at inaasahang mapabilang sa magtatapos sa unibersidad na Magna Cum laude.

Samantalang si Ysik na nasa pangatlong taon ay isa namang iskolar ng Department of National Defense (DND).

Ang mga nasabing mag-aaral ay naging delegado rin ng prestihiyosong Ayala Young Leaders Congress noong nakaraang taon at ngayong taon din. (ac agad PIA12)




0 comments:

Mag-post ng isang Komento