(President Roxas, North Cotabato/March 15, 2012) ---Inihayag ni Norma Capuyan ng Apo Sandawa Lumadnong Panaghiusa sa Cotabato o ASLPC, ang alyansa ng mga grupo ng mga katutubo sa lalawigan ng North Cotabato, na hindi dapat idahilan ng gobyerno ang mahabang blackout sa Mindanao para i-pressure ang mga lumad na sang-ayunan ang pagtatayo ng Pulangi-5 hydroelectric power plant sa Pulangi, Bukidnon.
Ayon kay Capuyan duda siya na ang mahabang blackout sa Mindanao ay ginagamit lang na dahilan para payagan ang pagtatayo ng iba pang mga power plant sa rehiyon, tulad ng Pulangi-5 at mga coal-fired power plant sa Sarangani at Davao.
Ayon sa report nauna na raw kasing pinayagan ng barangay council sa President Roxas, North Cotabato ang Pulangi-5.
Payag na rin ang ilang mga opisyal ng gubyerno sa proyekto.
Pero ang grupo ng mga lumad, kabilang na rito ang ASLPC, matibay ang paninindigan na tutulan ang Pulangi-5.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento