Written by: Rhoderick BeƱez
(Kabacan, North Cotabato/March 14, 2012) ---Maliban sa ipinapatupad na Load Curtailment ng National Grid Corporation of the Philippines o NGCP, nakaranas din ng mahabang black out na abot sa tatlong oras ang ilang mga service erya ng Cotabato electric Cooperative kahapon na nagsimula mula alas 3:00 ng hapon at bumalik ang supply ng kuryente dakong alas 6:00 na ng gabi.
Sa panayam ng DXVL-Radyo ng Bayan kay Cotelco Board Dcirector Samuel Dapon, nagkaroon umano ng faultline sa 69KV na linya ng Cotelco sa Kidapawan city sanhi ng pagkawala ng kuryente.
Kaugnay nito, halos araw-araw na ring nararanasan hindi lamang ng mga konsumedures ng Cotabato electric cooperative sa Kabacan kundi maging sa buong service erya nila ang lalong lumalala na power interruption araw-araw kungsaan umaanot sa isa hanggang dalawang oras na power iterruption.
Dahil dito dismayado na ang business sector at ang mga mamamayan ng Kabacan bunsod ng araw-araw na brownout.
Halos murahin na ng publiko ang pamunuan ng Cotabato electric cooperative o Cotelco dahil sa palagiang brownout at kalimitan nito ay walang anunsyo.
Reklamo ng mga consumers at mga negosyante lahat ng mga gamit de koryente ay nasisira dahil sa biglang pag-fluctuate ng koryente.
Ipinupukol naman ng Cotelco sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang lahat ng sisi.
Aniya ang NGCP umano ang dapat sisihin sa mga blackout at hindi ang Cotelco.
Inamin naman ng NGCP na ang kakulangan sa koryente ng Mindanao grid ang dahilan sa mahabang oras ng blackout sa gabi man o araw.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento