Written by: Rhoderick Beñez
(Kabacan, North Cotabato/March 13, 2012) ---Kung ang Kabacan PNP ang tatanungin negatibo umano ang report na may pinasusong sanggol ang namatay habang pumipila ang sa ATM Machine dito sa bayan ng Kabacan.
Maging ang Municipal Social Welfare and Development Office o MSWDO ng Kabacan LGU ay pinasinungalingan din ang nasabing report na may isang ina na namatayan ng pinasusong sanggol matapos mabilad sa init ng araw habang pumipila para maka-withdraw ng pondo ng 4Ps sa isang automated teller machine o ATM dito sa Poblacion ng Kabacan.
Ayon kayMSWD Officer Susan Macalipat, bagama’t may kumakalat na report, negatibo naman ang kanilang tanggapan hinggil dito.
May monitoring na raw sila’ng ginawa, lalo na sa mga beneficiary ng 4Ps sa Kabacan, at wala ni isa sa kanilang mga sources ang nagsabi na may ganito’ng pangyayari na naganap sa ATM ng Land Bank.
Kahit raw mahaba ang pila sa Land Bank ng mga 4Ps beneficiary, wala namang nagpasusong ina ang namatay ang sanggol dahil sa matinding sikat ng araw.
Dalawa ang ATM ng Land Bank, isa makikita sa USM Compound habang ang isa naman sa Municipal Compound.
At kapag panahon na ng downloading ng pondo, ang daan-daang mga 4Ps beneficiaries na card holder ay nakapila na sa ATM, umaga pa lang sa may Municipal compound.
Karamihan sa kanila nanggaling pa sa malalayong Barangay. Sa kabila nito, ayon kay Macalipat, wala ni isa sa mga beneficiary ng 4Ps ang nakaranas ng ganito’ng pangyayari.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento