Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Mga troso na illegal na pinutol sa Magpet, N Cotabato nasabat

(Magpet, North Cotabato/March 12, 2012) ---Nasabat ng mga elemento ng Magpet PNP ang mahigit 2,000 board feet ng mga troso mula sa mga puno ng Lawaan sa highway ng Magpet, North Cotabato, kahapon.

Ang mga troso, ayon kay Magpet Mayor Efren Pinoy, ay pinutol sa Barangay Imamaling – isang deklaradong ancestral domain.
Nabatid na ang truck na pinagkargahan ng troso ay pag-aari umano ng isang negosyante na kilala sa apelyidong Embodo na taga-Kidapawan City.

Ayon kay Pinol, walang kaukulang papeles ang naturang mga troso kaya’t itinuturing na illegal.
Ang Lawaan ay naturally-grown tree at ang pagputol ng ganito’ng uri’ng mga puno ay mahigpit na ipinagbabawal sa ilalim ng Forestry Code of the Philippines.

Ang truck na may kargang illegal na troso ay nasa kustodiya ngayon ng Magpet PNP.

0 comments:

Mag-post ng isang Komento