Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Capability Enhancement seminar ng mga Day Care Workers sa bayan ng Kabacan, nagpapatuloy

By: Mark Anthony Pispis

(Kabacan, North Cotabato/ May 7, 2015) ---57 mga Daycare Workers mula sa ibat-ibang barangay sa bayan ng Kabacan ang kasalukuyang sumasailalim sa Capability Enhancement Seminar sa bayan Kabacan.

Ayon kay Kabacan Municipal Social Welfare and Development Office o MSWDO Disaster Focal Person Latip Akmad sa panayam ng DXVL News, nagsimula ang nasabing aktibidad noong martes Mayo a-5 at magtatapos sa araw ng biyernes Mayo a-8 ngayong linggo.


Anya, layon ng aktibidad ay upang mas mahasa ang kakayahan ng mga Daycare Workers sa bayan na katuwang ng pamahalaan sa pagbibigay ng kalidad na edukasyon sa mga kabataang nasa kanilang lebel.

Dagdag pa ng opisyal, ang nasabing aktibidad ay programa ng DSWD sa pakikipagtulungan ng LGU Kabacan sa pangunguna ni Mayor Herlo. Guzman Jr.


0 comments:

Mag-post ng isang Komento