By: Mark Anthony
Pispis
(Kabacan,
North Cotabato/ May 7, 2015) ---Kulungan ang bagsak ng isang lalaki matapos
itong arestohin ng Kabacan PNP dahil sa kasong pagnanakaw sa Brgy. Poblacion ng
bayan alas 12:30 ng tangahali kahapon.
Kinilala
ni PSI Ronnie Cordero ang suspek na isang Abner Viernes, 29, anyos, isang
driver at residente ng Brgy. Pisan ng bayan.
Hinuli
ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisue ng Regional Trial Court
Branch 22.
Nabatid
na 2014 pa umano ng isampa ang kaso sa suspek dahil sa pagnanakaw nito ng baka.
Sa
ngayon ay nakapiit ang suspek sa Kabacan MPS at nakatang harapin ang kasong Qualified
Theft.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento