(Kabacan,
North cotabato/ May 6, 2015) ---Bumaba ang krimen sa bayan ng Kabacan sa unang
bahagi ng kwarto ng taon ayon sa Kabacan PNP.
Sa
panayam ng DXVL news inihayag ni Kabacan OIC COP PSI Ronnie Cordero ang kanyang
mga accomplishments na simula naupo siya sa pwesto noong Marso a bente kwatro
ng taong kasalukuyan ay bumaba ang crime volume statistics.
Ang
bilang ng krimen noong Pebrero ay 38, bumaba ito ng 34 sa buwan ng Marso at 20
na lamang sa buwan ng Abril.
Ipinaliwanag
din ng opisyal na sa kanilang kampanya laban sa carnapping ay naka rekober ng
apat na motorsiklo, isa ang arestado at nasampahan na ng kaso.
Sa
kampanya naman umano laban sa illegal na droga ay may sampung naaresto na mga
suspek at nasampahan na rin ng kaso.
Dagdag
pa ng opisyal na sa kampanya sa illegal possession of firearms ay may apat na
nahuli at nasampahan na rin ng kaso sa korte.
May
naaresto rin umano na 2 kalalakihan na may kasong paglabag sa Presidential
Decree 533 at naghihintay na lamang ng issuance of order para mai forward sa
provincial jail.
May
mga arestado din umano sa krimen ng pagnanakaw at nasampahan na rin ng kaso sa
korte. Mark Anthony Pispis
0 comments:
Mag-post ng isang Komento