Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Suspek sa shooting incident sa Pikit, tukoy na!

By: Mark Anthony Pispis

(Pikit, North Cotabato/ May 7, 2015) ---Tukoy na ng Pikit PNP ang mga responsable sa pagbaril-patay sa dalawang kalalakihan sa panulukan ng Brgy. Tinibtiban, Pikit, Cotabato alas 2:25 kamakalawa ng hapon.

Ito ayon kay PI Sindatu Karim sa panayam ng DXVL News.


Anya, hindi muna pwedeng isapubliko ang pagkakakilalanlan ng mga ito upang proteksyonan ang kanilang ginagawang imbestigasyon.

Kinilala nito ang mga biktima na sina Romnick Cajeben at isang Making Oresco nasa tamang edad at residente ng Brgy. San Mateo sa bayan ng Aleosan.

Sa inisyal na imbestigasyon, papalabas na umano mula sa nasabing barangay ang mga biktima sakay sa isang Kawasaki CT 100 na motorsiklo, kulay itim na may plakang 9159 QM nang pagbabarilin ng riding tandem na nakasunod sa kanila.

Tama ng bala sa ulo sa dalawang mga biktima mula sa kalibre 45 na pistola ang nagresulta sa agarang kamatayan ng mga ito.

Tinangay pa umano ng mga suspek ang motorsiklo ng mga biktima.

Matapos maisakatuparan ang masamang balakin ay agad tumakas ang mga suspek sa di pa matukoy na direksiyon.
Narekober sa crime scene ang apat na basyo ng mga bala.


Malaki ang paniniwala ng Pikit PNP na may kinalaman sa druga ang nasabing pamamaril dahil sa nakarating sa kanila na impormasyon na nasa watchlist ng Aleosan MPS ang mga biktima.

0 comments:

Mag-post ng isang Komento