Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Department of Agriculture Region 12 nagbigay ng pahayag hinggil sa kilos protesta ng mga magsasaka ng goma

By: Christine Limos

(Kabacan, North Cotabato/ May 4, 2015) ---Nagbigay ng pahayag ang Department of Agriculture Region 12 hinggil sa kilos protesta ng mga magsasaka ng goma sa Makilala, North Cotabato nitong Mayo a-1.

Sa panayam ng DXVL news inihayag ni DA 12 Regional Executive Director Amalia Jayag Datucan na ang presyo ng goma ay sumusunod sa presyo ng world market.

Aniya, naging isyu din ang quality o ka-lidad ng goma sa Region 12 kung kaya’t nakipag ugnayan na sila sa TESDA upang mabigyan ng skills training para sa magandang pagta-tapping ng goma at magkaroon ng magandang produkto, maging skilled farmer at magkaroon ng magandang swelduhan bawat araw. 


May schedule na rin umano ng certification mula sa TESDA.

Ipinaliwanag din ni Regional Director Datucan na bukas ang ahensiya sa mga proposal at livelihood program na gusto ng mga magsasaka na ipatupad ng Department of Agriculture ngunit kailangan umano ay malaman ng ahensya kung anong asosasyon sila at taga saan. 

Payo pa ni Director Datucan na mag grupo ang mga magsasaka upang kaya silang abutin ng ahensya.


Hindi umano kayang kontrolin ng Pilipinas na babaan o itaas ang presyo ng goma kung kaya’t ang laban umano ng mga magsasaka ay magandang kalidad ng goma, pwdeng i-hold muna ang goma at hintayin na tumaas ang presyo. 

Maaari din umanong maghanap ng alternatibong mapagkukunan ng ibang kabuhayan ang mga magsasaka. Rhoderick Beñez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento