Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

4H Club of North Cotabato, Itinanghal na Grand Champion at Grand Slam Winner sa Regional Summer Youth Camp

By: Ruel Villanueva

(North Cotabato/ May 7, 2015) ---Itinanghal kamakailan ang 4H Club ng North Cotabato bilang grand champion sa katatapos pa lamang na Regional Summer Youth Camp na ginanap sa Provincial Gymnasium ng Isulan, Sultan Kudarat na dinaluhan ng 44 na delegado mula sa iba’t-ibang lalawigan dito sa Rehiyon 12.

Ayon kay Ms. Judy Gomez, ang Provincial 4-H Club Coordinator, nakamit ng Cotabato 4H Club
contingent ang overall championship dahil sa pagkakapanalo ng bawat contender sa iba’t-ibang larangan ng patimpalak na kinabibilangan ng mga sumusunod:

  1. 1st Place sa Herbal Processing Technology contest na napanalunan ni Ivy Carolino ng Carmen
  2. 1st Place sa Extemporaneous Speaking contest na napanalunan ni Ben Maverick Marco ng Pigcawayan
  3. 1st Place sa Quiz Bee contest na napanalunan ni Samson Galagpat ng Tulunan
  4. 1st Place sa On-the-Spot Painting contest na napanalunan ni Bai Nur Sumbaga ng Pikit

Dagdag pa ni Provincial Agriculturist Eliseo Mangliwan, natamo ng 4H Club ng Cotabato ang Regional overall championship dahil na rin sa angking talento ng mga contenders at sa epektibong mentoring at coaching ng mga Municipal 4H Club coordinators sa pakikipagtulungan ni Ms. Judy Gomez, ang Provincial 4H Club Coordinator ng Office of the Provincial Agriculturist.

Dahil sa sa pagiging Over-all Champion ng North Cotabato 4-H Club sa Regional Summer Youth Camp, itinuturing na itong Grand Slam winner dahil na sunod-sunod nitong panalo sa loob ng tatlong taon, ani Ms. Judy Gomez.

          Tuwang-tuwa naman si Gov. Emmylou “Lala” J. Taliño-Mendoza sa naangking karangalan ng 4-H Club of Cotabato dahil magsisilbi itong inspirasyon ng mga kabataan sa lalawigan. Suportado ng Pamahalaang Panlalawigan ang 4H Club sa pamamagitan ng paglalaan ng pondo para sa mga programa at aktibidad nito sa buong taon.


0 comments:

Mag-post ng isang Komento